Wednesday, May 8, 2013

mother's day special





1.        Dinala ka nya sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Kasama nito ang lahat ng hirap, sakit at bigat na kanyang nararanasan. Ngunit bakit ngayong malaki ka na, yung sandaling oras lamang na nagpapasama siya mag grocery, mamalengke o kahit manlang yung maka bonding ka sandal sa bahay ay ayaw mo pa.

2.      Noong maliit ka pa, hanggang sa ngayong malaki ka na, mas inuuna nyang bilhin ang mga pangangailangan at luho mo. Binibilhan ka nya ng mga bagong damit at gamit. Pero ikaw? Naisipan mo manlang ba siya bilhan ng regalo? Yung tipong kahit simple at mumurahin basta’t galling sayo, tiyak na matutuwa na siya. Baka nga mas nabibilhan mo pa ng regalo ang girlfriend/boyfriend nyo kapag may special occasion eh!

3.      Noong maliit ka pa pagkagaling mo sa maghapon na paglalaro at pagbilad sa araw, pinagtityagaan ka nyang paliguan at tanggalan ng mga libag sa katawan. Pero ngayon matanda na siya, nasubukan mo na bang tanggalan siya ng putting buhok?

4.      Nung bata ka pa, palagi siyang ay uwi sayo pagkagaling sa trabaho. Laruan, pagkaen, bagong damit. Pero ngayong ikaw na ang nag tatrabaho o may sariling allowance? Nagawa mo na bang uwian siya ng kahit tinapay manlang?

5.      Kapag may sakit ka inaasikaso ka nya at halos di siya makatulog sa kakabantay, kakahilot at kakapunas sayo. Sinusubuan ka pa nga kapag kakaen ka diba? Ngayong siya naman ang may sakit? Nagawa mo manlang ba siya abutan kahit ng isang basong tubig?

6.      Kailan mo kaya siya huling nasabihan ng “I LOVE YOU” at “THANK YOU” baka nga mas madalas ka pa makipag muraha at sagutan sa kanya eh. Pero pag dating naman sa bf/gf aba! Wagas kung makapaglambing.

WORDS OF WISDOM

Lumalaki ka na at tumatanda. Ang ibig sabihin lang non pati ang iyong ina ay tumatanda na rin at nanghihina. Ang iyong ina na laging naandyan para alagaan ka, baka panahon na para ikaw naman ang mag alaga sa kanya. Ngayong darating mother’s day gawing special ang araw na iyon para sa kanya. Simpleng halik at yakap sabay I LOVE YOU, tiyak matutuwa na siya.

KAYA PARA SA IYONG INAY, NANAY, MAMA, MOMMY. MOM. MOMSIE, MUDRA.

HAPPY MOTHER’S DAY!

showing off your skin just to gain likes. :(



SUMMER NA!
Dadami nanaman ang likes at friend requests 
ng mga kababaihan sa facebook.

Paano ko nasabi yon?

1.    Kung mapapansin mo sa mga pictures ng karamihan sa mga babae sa facebook ngayon, puro sila naka panty at bra lang. AY, MALI! “Two piece” nga pala ang tawag nila doon. Kapag nag picture ka ng naka panty at bra, masama na tingin sayo. Pero pag nag picture ka ng naka two piece, okay lang? Bakit ganon? Eh Pareho lang naman ang natatakpan at nakikitang parte ng katawan ng isang babae.

2.    Kapag may nag post ng kanyang display picture na naka two piece siya, sobrang dami ng nag liLike neto. Pero pansinin nyo ang iba nyang display picture na maayos ang suot nya. Umaabot ng ganung karaming like kumpara sa picture nya na naka two piece lang siya?


3.    Hindi maiiwasan ang mga facebook friends na medyo “naughty” mag cocomment sa picture ng di maganda. Pero ang masama yung girl magagalit. Eh teh! Kung di ka kaya nag picture ng ganyan may masasabi kaya sila?


WORDS OF WISDOM

Kung maganda ka, maraming mag liLike ng picture mo.
Di mo kailangan magpakita ng katawan para lang may mag like ng picture mo.
At hindi ka mamamatay o mawawalan ng account sa facebook kung walang mag liLike ng picture mo.

Sunday, May 5, 2013

all girls are pretty




"Bakit hindi ako pwedeng maging maganda?"

Ang palaging tanong ng mga babae. Una sa lahat, 
ang lahat ng babae ay maganda. 
Magkakaiba ng itsura pero lahat ay maganda. 
Bakit nga ba nasasabi ng isang babae na "hindi siya maganda"?

Una, naiintmidate siya. Hindi niya tanggap ang sarili nyang ganda
dahil palagi niyang kinukumpara ang sarili niya sa iba.
Iniisip niya lagi na mas angat ang iba kesa sa kanya.
Iniisip nya na balewala lang siya. Dahil minsan hindi siya napapansin.
Sa social networking sites ngayon, nadadaan ang pagpapakita
ng pag hanga sa itsura ng isang babae sa pag like ng kanyang picture.
Kung mas marami ang like ng isang babae kaysa sa kanya iisipin
nya na mas maganda ang babaeng iyon kaysa sa kanya.

Pangalawa, she experienced rejection. Kung mayroon siyang tao na gusto
at hindi siya gusto neto, iisipin niya na may kulang sa kanya. Iisipin niya
na di siya maganda, mataba, maitim o kahit anong kapintasan ang makikita sa kanya.
Ngunit ang totoo, pinapakita lang neto na kaya di siya nagustuhan
ng taong gusto niya ay dahil hindi tanggap ng lalaki kung sino siya.
She needs to know na she doesn't deserve a guy who can't appreciate her beauty.

Pangatlo, mababa ang kanya self esteem. Kagaya nung una hindi niya tanggap
ang sarili niya. Dahil siguro may mga taong pilit siyang binababa.
May mga taong sadyang mapanghusga. Maaaring masyado niyang
dinaramdam ang mga kumento na naririnig nya galing sa kapwa niya.
Masyado siyang naniniwala sa mga tao sa paligid niya, kaya ang tingin
niya na rin sa sarili nya ay hindi maganda.

We need to remember girls na lahat tayo ay maganda.
And if binigyan ka ni GOD ng ganda na mas higit pa sa iba,
hindi mo dapat ito ipagmayabang sa iba.
Dahil ang sabi nga nila,
"simplicity is beauty".

5 ways to be HAPPY


1. free your HEART from HATRED
2. free your MIND from WORRIES
3. LIVE SIMPLY
4. EXPECT LESS
5. Have a DEEP RELATIONSHIP with GOD

Saturday, May 4, 2013


VIRGINITY

"Virgin ka pa ba?"
Ah eh. uhm..
Bakit kaya mahirap na sagutin ang tanong na yan sa mga panahon ngayon? Lalo na sa mga kabataang katulad natin?
Dahil sa panahon ngayon, laganap na ang pre-marital sex.
Maituturing na isang sakit o virus ang pre-marital sex.
Isang sakit na sa haba ng panahon ay palala ng palala ang paglaganap at ang masakit dito, wala itong lunas.
Teka! Meron, Oo! Merong lunas dito.
Ito ang aking masasabi tungkol sa pre-marital sex.


1. Sa dami ng mga kabataan ngayon na may kasintahan, bilang na bilang nalang ang wala pang experience sa sex. Maswerte nalang sa mga mag boyfriend at girlfriend ngayon ang nag gagalangan sa isa't isa.

2. May mga mag boyfriend at girlfriend na nagsasabi na kaya sila gumagawa ng mga bagay na ganon ay dahil "mahal" nila ang isa't isa.
Kung mahal nyo talaga ang isa't isa, learn how to trust each other and be patient. TRUST na kahit walang nangyayari sa inyo ay magiging matibay at magtatagal parin relasyon nyo. PATIENT kasi kung totoong nagmamahalan kayo, makakapag antay kayo ng tamang panahon para gawin ang bagay na gusto nyo ng gawin. KAPAG KASAL NA KAYO.

3. Para sa mga babae, kung niyayaya kayo ng mga boyfriend nyo na makipag sex, isa lang ang ibig sabihin nyan. MAKATI SYA! Di siya marunong makapag antay at di ka nya ginagalang. At para naman sa mga lalaking mahilig magyaya, respetuhin nyo girlfriend nyo.
GIRLFRIEND nyo palang yan, hindi pa asawa.

4. Hindi ko nilalahat pero sadyang may mga babae din na di nakakapag pigil, at kung minsan sila pa ang unang nagyaya. Girls! Bago kayo respetuhin ng iba, learn to respect yourself. Love yourself. Dahil sabi nga nila "sa huli ang mga babae din ang talo".

5. Ngayon, kung may boyfriend ka or girlfriend na din na virgin, di ito sign na kailangan mo siya ayawan. At hindi rin ito sign na kayo naman ang gumawa ng hindi maganda. Kung mahal mo siya dapat tanggap mo ang past nya. PAST na yon. Hwag nyo na ulitin ang pagkakamaling ginawa nila ng ex nya.


WORDS OF WISDOM

Ang pre-marital sex ay isang sakit na laganap na nayon kahit saan. Pero mapipigilan pa ito, sa pamamagitan ng pag pigil nyo sa isa't isa. Kung na tetempt kayo na gawin ang mga ganong bagay, isa lang ang dapat nyo gawin. MAGDASAL at alalahanin si GOD. Kasalanan ang pakikipag sex sa hindi mo pa asawa. Kung mahal nyo ang isa't isa, mag hihintay kayo ng tamang panahon.

PAANO BA MAG MOVE ON?


"MOVE ON"
Isa sa mga salitang madaling sabihin pero mahirap gawin.
Paano nga ba mag move on? 
Paano makalimot sa taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo,
ngunit ikaw ay niloko?

Eto ang ilang mga paraan para makapag move on.

1. ISIPIN MO ANG SARILI MO. Baka masyado ka nang nagpapabaya sa sarili mo.
Yung tipong binigay mo na lahat para sa kanya pero kulang parin. Panahon na para ibalik
ang dating ikaw! Humarap ka sa salamin, tapos itanong mo sa sarili mo kung kilala
mo pa ang taong kaharap mo.

2. LIBANGIN MO SARILI MO. Kung mag mumukmok ka lang sa kwarto mo, walang
mangyayari sayo. Hindi masamang umiyak pero at maglabas ng sama ng loob
pero mas maganda kung may paglalabasan ka neto. Go out with your friends.
Talk to them. TANDAAN: May mga kaibigan ka pa! Hindi ka nag iisa.
Naandyan sila para makinig sayo.

3. GIVE TIME FOR EVERYTHING. Huwag ka mag madali. Oo! Masakit, mahirap.
Pero sa una lang yan. Isipin mo nalang na may iba pang mas mahahalagang
bagay na dapat unahin kaysa sa taong nanakit sayo.
May pamilya ka pa. Andyan pa si nanay, tatay, ate, kuya at bunso.
Sila yung mga taong siguradong hindi ka iiwan at sasaktan.
May mga kaibigan ka pa. Mga kaibigan na kahit nakalimutan mo na nung mga
panahong masaya ka sa lovelife mo ay naandyan parin ngayong down na down ka na.

4. FORGET ABOUT HIM/HER. Makakalimutan mo siya kung lahat ng bagay na
nagpapaalala sa kanya ay aalisin mo. Letters, pictures at mga bagay na bigay
nya sayo. Delete your ex's number. Kasi hanggat naandyan yan mattempt
ka lagi na itext siya at kamustahin. Unfriend your ex sa facebook.
Tandaan, ginagawa mo to para makamove on. Hindi para maging bitter.


Words of Wisdom

Kahit ilan ang lapitan mo at iyakan walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo! Hindi lahat ng lalaki/babae
parepareho. Hindi dahil nasaktan ka ng isa ay sasaktan ka na ng lahat.
Kung feeling mo wala nang nagmamahal sayo nagkakamali ka.
Naandyan pa siya! OO! tama siya! Si GOD. Just pray
humingi ka ng lakas sa kanya para makabangon ka.