Saturday, May 4, 2013

PAANO BA MAG MOVE ON?


"MOVE ON"
Isa sa mga salitang madaling sabihin pero mahirap gawin.
Paano nga ba mag move on? 
Paano makalimot sa taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo,
ngunit ikaw ay niloko?

Eto ang ilang mga paraan para makapag move on.

1. ISIPIN MO ANG SARILI MO. Baka masyado ka nang nagpapabaya sa sarili mo.
Yung tipong binigay mo na lahat para sa kanya pero kulang parin. Panahon na para ibalik
ang dating ikaw! Humarap ka sa salamin, tapos itanong mo sa sarili mo kung kilala
mo pa ang taong kaharap mo.

2. LIBANGIN MO SARILI MO. Kung mag mumukmok ka lang sa kwarto mo, walang
mangyayari sayo. Hindi masamang umiyak pero at maglabas ng sama ng loob
pero mas maganda kung may paglalabasan ka neto. Go out with your friends.
Talk to them. TANDAAN: May mga kaibigan ka pa! Hindi ka nag iisa.
Naandyan sila para makinig sayo.

3. GIVE TIME FOR EVERYTHING. Huwag ka mag madali. Oo! Masakit, mahirap.
Pero sa una lang yan. Isipin mo nalang na may iba pang mas mahahalagang
bagay na dapat unahin kaysa sa taong nanakit sayo.
May pamilya ka pa. Andyan pa si nanay, tatay, ate, kuya at bunso.
Sila yung mga taong siguradong hindi ka iiwan at sasaktan.
May mga kaibigan ka pa. Mga kaibigan na kahit nakalimutan mo na nung mga
panahong masaya ka sa lovelife mo ay naandyan parin ngayong down na down ka na.

4. FORGET ABOUT HIM/HER. Makakalimutan mo siya kung lahat ng bagay na
nagpapaalala sa kanya ay aalisin mo. Letters, pictures at mga bagay na bigay
nya sayo. Delete your ex's number. Kasi hanggat naandyan yan mattempt
ka lagi na itext siya at kamustahin. Unfriend your ex sa facebook.
Tandaan, ginagawa mo to para makamove on. Hindi para maging bitter.


Words of Wisdom

Kahit ilan ang lapitan mo at iyakan walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo! Hindi lahat ng lalaki/babae
parepareho. Hindi dahil nasaktan ka ng isa ay sasaktan ka na ng lahat.
Kung feeling mo wala nang nagmamahal sayo nagkakamali ka.
Naandyan pa siya! OO! tama siya! Si GOD. Just pray
humingi ka ng lakas sa kanya para makabangon ka.

No comments:

Post a Comment