VIRGINITY
"Virgin ka pa ba?"
Ah eh. uhm..
Bakit kaya mahirap na sagutin ang tanong na yan sa mga panahon ngayon? Lalo na sa mga kabataang katulad natin?
Dahil sa panahon ngayon, laganap na ang pre-marital sex.
Maituturing na isang sakit o virus ang pre-marital sex.
Isang sakit na sa haba ng panahon ay palala ng palala ang paglaganap at ang masakit dito, wala itong lunas.
Teka! Meron, Oo! Merong lunas dito.
Ito ang aking masasabi tungkol sa pre-marital sex.
1. Sa dami ng mga kabataan ngayon na may kasintahan, bilang na bilang nalang ang wala pang experience sa sex. Maswerte nalang sa mga mag boyfriend at girlfriend ngayon ang nag gagalangan sa isa't isa.
2. May mga mag boyfriend at girlfriend na nagsasabi na kaya sila gumagawa ng mga bagay na ganon ay dahil "mahal" nila ang isa't isa.
Kung mahal nyo talaga ang isa't isa, learn how to trust each other and be patient. TRUST na kahit walang nangyayari sa inyo ay magiging matibay at magtatagal parin relasyon nyo. PATIENT kasi kung totoong nagmamahalan kayo, makakapag antay kayo ng tamang panahon para gawin ang bagay na gusto nyo ng gawin. KAPAG KASAL NA KAYO.
3. Para sa mga babae, kung niyayaya kayo ng mga boyfriend nyo na makipag sex, isa lang ang ibig sabihin nyan. MAKATI SYA! Di siya marunong makapag antay at di ka nya ginagalang. At para naman sa mga lalaking mahilig magyaya, respetuhin nyo girlfriend nyo.
GIRLFRIEND nyo palang yan, hindi pa asawa.
4. Hindi ko nilalahat pero sadyang may mga babae din na di nakakapag pigil, at kung minsan sila pa ang unang nagyaya. Girls! Bago kayo respetuhin ng iba, learn to respect yourself. Love yourself. Dahil sabi nga nila "sa huli ang mga babae din ang talo".
5. Ngayon, kung may boyfriend ka or girlfriend na din na virgin, di ito sign na kailangan mo siya ayawan. At hindi rin ito sign na kayo naman ang gumawa ng hindi maganda. Kung mahal mo siya dapat tanggap mo ang past nya. PAST na yon. Hwag nyo na ulitin ang pagkakamaling ginawa nila ng ex nya.
WORDS OF WISDOM
Ang pre-marital sex ay isang sakit na laganap na nayon kahit saan. Pero mapipigilan pa ito, sa pamamagitan ng pag pigil nyo sa isa't isa. Kung na tetempt kayo na gawin ang mga ganong bagay, isa lang ang dapat nyo gawin. MAGDASAL at alalahanin si GOD. Kasalanan ang pakikipag sex sa hindi mo pa asawa. Kung mahal nyo ang isa't isa, mag hihintay kayo ng tamang panahon.
No comments:
Post a Comment