1.
Dinala ka nya sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam
na buwan. Kasama nito ang lahat ng hirap, sakit at bigat na kanyang
nararanasan. Ngunit bakit ngayong malaki ka na, yung sandaling oras lamang na
nagpapasama siya mag grocery, mamalengke o kahit manlang yung maka bonding ka sandal
sa bahay ay ayaw mo pa.
2.
Noong maliit ka pa, hanggang sa ngayong malaki ka na,
mas inuuna nyang bilhin ang mga pangangailangan at luho mo. Binibilhan ka nya
ng mga bagong damit at gamit. Pero ikaw? Naisipan mo manlang ba siya bilhan ng
regalo? Yung tipong kahit simple at mumurahin basta’t galling sayo, tiyak na
matutuwa na siya. Baka nga mas nabibilhan mo pa ng regalo ang
girlfriend/boyfriend nyo kapag may special occasion eh!
3.
Noong maliit ka pa
pagkagaling mo sa maghapon na paglalaro at pagbilad sa araw, pinagtityagaan ka
nyang paliguan at tanggalan ng mga libag sa katawan. Pero ngayon matanda na
siya, nasubukan mo na bang tanggalan siya ng putting buhok?
4.
Nung bata ka pa,
palagi siyang ay uwi sayo pagkagaling sa trabaho. Laruan, pagkaen, bagong
damit. Pero ngayong ikaw na ang nag tatrabaho o may sariling allowance? Nagawa
mo na bang uwian siya ng kahit tinapay manlang?
5.
Kapag may sakit
ka inaasikaso ka nya at halos di siya makatulog sa kakabantay, kakahilot at kakapunas
sayo. Sinusubuan ka pa nga kapag kakaen ka diba? Ngayong siya naman ang may
sakit? Nagawa mo manlang ba siya abutan kahit ng isang basong tubig?
6.
Kailan mo kaya siya huling nasabihan ng “I LOVE YOU” at “THANK YOU”
baka nga mas madalas ka pa makipag muraha at sagutan sa kanya eh. Pero pag
dating naman sa bf/gf aba! Wagas kung makapaglambing.
WORDS OF WISDOM
Lumalaki ka na at tumatanda. Ang ibig
sabihin lang non pati ang iyong ina ay tumatanda na rin at nanghihina. Ang
iyong ina na laging naandyan para alagaan ka, baka panahon na para ikaw naman
ang mag alaga sa kanya. Ngayong darating mother’s day gawing special ang araw
na iyon para sa kanya. Simpleng halik at yakap sabay I LOVE YOU, tiyak matutuwa
na siya.
KAYA
PARA SA IYONG INAY, NANAY, MAMA, MOMMY. MOM. MOMSIE, MUDRA.
HAPPY MOTHER’S DAY!
.jpg)
No comments:
Post a Comment